Kung ayaw mo ang iyong almusal, kami ay nagbigay ng kaunting recipes para saiyo na maaari mong magustuhan. Maaari mong tignan sa ibaba:

 

 

 

 Low Carb Smoothie Bowl

 

 

 

 Mga Sangakap

 

 Smoothie Bowl Base

 

 · 1 tasa ng spinach

 

 · 1/2 tasa ng almond milk

 

 · 2 tbsp heavy cream

 

 · 1 tbsp langis ng niyog

 

 · 1 scoop low carb protein powder

 

 · 2 cubes ng yelo

 

 Toppings

 

 · 4 raspberries

 

 · 4 walnuts

 

 · 1 tbsp shredded coconut

 

 · 1 tsp chia seeds

 

 Panuto:

 

 3. Simulang ayusin ang iyong mga toppings, o ihagis ang mga ito at haluin ito.

 

 4. Para sa kapakanan ng aesthetics, idinagdag namin ang lahat nang maayos sa tuktok ng base. Gumamit kami ng mga raspberry, walnuts at alternating stripes ng ginayat na niyog at chia.

 

 5. Namnamin ang iyong mabilis at madali, low carb breakfast bowl!

 

 

 

 Green Low Carb Breakfast Smoothie

 

 

 

 Mga sangkap

 

 · 1.5 tasa ng almond milk

 

 · 1 oz spinach

 

 · 50 g pipino

 

 · 50 g celery

 

 · 50 g abukado

 

 · 1 tbsp langis ng niyog

 

 · 10 drops liquid stevia o preferred sweetener

 

 · 1 scoop Protein Powder Isolate (mga 30 gramo)

 

 · 1/2 tsp buto ng chia (to garnish)

 

 · 1 tsp pulbos ng matcha (opsyonal)

 

 Panuto

 

 1. Sa isang blender o Nutribullet, idagdag ang iyong almond milk at spinach. Paghaluin para sa isang segundo upang madurog ang spinach upang magkaroon ng puwang sa natitirang mga sangkap.

 

 2. Idagdag sa natitirang bahagi ng iyong mga sangkpaghaluin ng halos sa isang minuto hanggang maging creamy.

 

 3. Maaari kang magdagdag ng isang kutsarita ng matcha pulbos para sa dagdag na benepisyo at lasa ng caffeine.

 

 4. Ibuhos ito sa isang baso at palamutihan ng mga buto ng chia. Lasapin!

 

 

 Pumpkin Spice Breakfast Porridge

 

  

 

 Mga sangkap

 

 Lutuin Sama-sama

 

 · 2 kutsara ng Almond Flour 20 g

 

 · 1 kutsara ng flaxmeal

 

 · 3/4 tasa ng tubig

 

 · 1/2 kutsara pumpkin pie spice (cinnamon, luya, cardamom, nutmeg)

 

 · 1 kurot ng asin

 

 · 1 large egg beaten

 

 Magdagdag ng:

 

 · 2-3 drops of vanilla extract

 

 · 2 kutsara canned pumpkin

 

 · 1 kutsara ng iyong paboritong sweetener

 

 · 1 kustara ng heavy cream

 

 · 1 kutsara ng butter

 

 Panuto:

 

 1. Sukatin ang unang 5 sangkap sa isang maliit na palayok at ilagay sa katamtamang init.

 

 2. Kapag ang timpla ay nagsimulang kumulo, hinaan ang apoy sa katamtamang lakas at haulin hanggang ito ay kumapal at maginit.

 

 3. Alisin sa apoy at idagdag ang itlog, paunti-unti, haluin ang lahat ng puti. Ibalik sa lagpas na katamtamang init at haluin ng mabilis hanggang ang porridge ay kumapal. Alisin sa apoy at haluin pa ng 30 sigundo.

 

 4. Ihalo sa mga natitirang sangkap. Tikman at ayusin ang pampalasa.

 

 5. Palamutian ang low carb almond porridge kasama ang iyong paboritong sangkap at lasapin!

 

 

 

 Egg in a Mug

 

 

 Mga sangkap:

 

 · 2 itlog

 

 · 2 kutsara ng shredded Cheddar na keso

 

 · 3 stripes bacon, tinadtad

 

 · Siling pula, asin, pulbos ng bawang – opsyonal at lasahan

 

 Panuto:

 

 1. Isprayan ang microwavable mug ng no stick cooking spray. Paghaluin ang lahat ng mga sangkap sa mug na may wire whisk hanggang sa maghalo ng mabuti.

 

 2. Imicrowave sa MATAAS 1 minuto at 30 segundo o hanggang ang itlog ay mapunta sa gitna. Hayaan ng 1 minuto bago ihain. Budburan ng karagdagang ginayat na keso, kung nanaisin

 

 Keto Cacao Milkshake

 

 

 

 Mga sangkap:

 

 · ½ tasa ng gata ng niyog (100 ml)

 

 · 50 ml ng tubig

 

 · ½ maliit na avocado – 75 g

 

 · 2 kutsarita ng langis ng niyog

 

 · 2 kutsara ng raw cacao powder (14 g)

 

 · cinnamon

 

 · pampatamis para lasa

 

  

 DIREKSYON:

 

 1. Ilagay ang lahat ng mga sangkap sa high-speed blender at i-blend sa mataas hanggang maging malambot.

 

 2. Ilipat sa baso at ihain kaagaran

 

 .

 

 Breakfast Turkey Wrap

 

 Sangkap

 

 • 2 hiwa ng turkey breast (gumamit ng higit pa kung ang mga hiwa ay madaling masira)

 

 • romaine lettuce leaf (o dahon para makagawa ng balot)

 

 • 2 hiwa ng bacon

 

 • 2 itlog

 

 • 1 kutsara ng langis ng niyog upang lutuin

 

 PANUTO

 

 1. Lutuin ang bacon sa lutong na iyong gusto.

 

 2. Haluin ang itlog sa langis ng niyog (o bacon fat).

 

 3. Gumawa ng balot sa pamamagitan ng paglagay ng hinalong itlog, bacon at turkey breast sa lettuce na dahon/mga dahon.